Linggo, Setyembre 14, 2014

pagtitinda ng kalamay


                                                    Pagtitinda ng Kalamay


                            Ito ang aking karanasan na hinding hindi ko makakalimutan ang magtinda ng kalamay at magsisisgaw sa daan nh bili na kayo ng kalamay. Hindi ko inaasahang mararanasan ko ang ganitong trabaho kahit panandalian lamang.
                           Sa simula ng akin paglalako, sobrang nahihiya ako at isip isip ko ay sana ay lamunin na ako ng lupa. Pero wala akong magagawa dahil kailangan ko itong gawin. Nagsimula na akong magsisigaw ng bili na kayo ng klamay..bili na. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon  ay walang may gustong bumili , at halos gusto ko na ding umiyak . Pero hindi ako nawalan ng pag asa nagsimula na ulit akong maglako hanggang sa linapitan ko ang babae at alokin ng tinitinda ko pero sa kasaswiang palad tinaggihan niya ito at sinabing ang mahal naman, umalis na lamang ko dahil sa inis at sabay wikang "di wag". At dahil doon ay pnagpatuloy ko namang ulit ang pagtitinda, at hindi ako nawwalan ng pag asa, hanggang sa may inalok ulit ako na bumili ng kalamay bigla na lamang akong napangiti  ng mga oras na iyon at pakiramdam ko ay nanalo ako sa loto noong bumili siya sa akin.
                          Pagnakakakita ako ng nagtitinda ng kalamay sinasabi ko sa sarili ko na anndali naman ng trabaho nila, yung tipong magtatawag lang naman sila, pero nung naranasan ko na mahirap pala, dahil mananakit na nga ang paa mo ay mananakit pa din ang lalamunan mo, sa labilang banda masya din dahil andoon ang kung paano ka makikisalamuha sa ibang tao, at isa itong marangal na trabaho na kaylanman ay hindi dapat ikahiya.
                          Pagkatapos kong magtinda ay pakiramdam ko ito ang karanasang hinding hindi ko makakalimuatn hindi dahil sa nakakahiya, o mahirap, pero dahil nagbigay ito ng kasiyahan sa akin.

Miyerkules, Setyembre 3, 2014


Travel log


           Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ng aking guro sa asignaturang filipino ng aming mga dapat gawin, di ko pa rin lubusang maisip kung ano ang dapat kong gawin, ikaw ba naman ang pagsulatin ng isang komposisyon at isususlat mo doon yung mga nangyare sayo simula pagkalabas ng silid aralan hanggang mamayang gabi. Paano naman ako?nagdodorm ako sa loob ng unibersidad na aking pinapasukan. Ano ang maaaring mangyare kung ilang kilometro lang ang layo ng CON building sa dorm na aking tinutuluyan.
          Pagkababang pagkababa namin galing 4th floor ng con, natapilok kaagad ako, at ang mas matinde pinagtawanan pa nila ako. Pagkatapos noon, nagtalo pa kami kung saan kami dadaan, at sinabi ko na lang sa kanila sa may mas malayong daanan para mas matagal na paglalakad, at para mas marami pang pangyayari ang dapat mangyari. At pag sinuswerte ka nga naman, nakasalubong ko ang crush ko. At sa pagpapatuloy ng aming paglalakad prinaktis ko na lng ang declamation ko, pero sa kasawiang palad hindi pala nila ako pinapakinggan, kaya naman sumigla na naman ang pagka sadista ko, at dahil don ginantihan nila ako ang isang sampal, pero alam ko namang biro lang iyon dahil patuloy pa din ang pagtawa nila. Malapit na kame sa gate 1 kaya naman kanya kanya na kaming paalam sa isa't isa .  
         Sa paglalakad ko papuntang dorm nasabi ko na lang sa sarili ko na maaari palang maraming mangyari sa isang segundo o sa isang minuto.

                                                            Santelmo

                  Isa sa pinakahalagang araw sa akin ay ang aking kaarawan kung saan pinaliligiran ako ng maraming tao, mga taong mahajalaga sa akin. Lahat sila nakangiting binabati ako ng maligayang kaarawan . Tuwang tuwa ako andito din ang aking mga kaibigan noong hayskul at college.
                  Masayang nagkakainan ang lahat nagkwekwentuhan, at nagkakamustahan. Napangiti na lamang ako, at nagpasalamat sa panginoon , dahil sa pamilya at mga kaibigan na kasama ko ngayon sa aking kaarawan.
                  Maggagabi na ng matapos ang kasiyahan, at syempre hinatid namin sila sa may sakayan. At sa paglalakad namin ay napagkwentuhan namin ang tungkol sa santelmo, at pagkatapos ng kaunting usapan ay napansin ko na malapit na pala kame sa sakayan. Pabalik na kame ng kuya at ate ko, hindi kame magkakasabay na naglalakad dahil nauuna ako . Lakad lang ako ng lakad hanggang sa napalingon ako, laking gulat ko na isang santelmo ang papalapit sa akin, napalingon ako sa likod ko upang tingnan ang ate at kuya ko, pero wala na sila doon. Takot na takot ako at pakiramdam ko unti unti ng nauubos ang boses ko kakasigaw, walang nakakarinig, at napansin ko na lamang na malapit na sa akin ang isang bolang apoy, at dahil sa bagal ng aking takbo ay naabutan ako at unti unting akong nilamon nito.

panaginip lang pala


                                                     Panaginip lang pala


                     Matapos ang aming klase sa asignaturang filipino, ay kaagad akong umuwe sa dorm na aking tinutuluyan, pagkababang pagkababa ng aking bag agad akong nagbihis at kinuha ko ang aking notebook kung saan nakalista ang mga assignments na dapat kong gawin. Pagkatapos ng isa, yung isa naman , hanggang sa matapos ko na lahat ng assignments ko, dahil na din sa pagod na nararamdaman ko nakatulog ako ng walang laman ang aking sikmura.
                    Gelaine!!!!!sigaw ng aking mga kaibigan, gulat na gulat ako dahil sa isip isip ko'y parang katutulog ko pa lamang. Heto ako ngayon sinisigawan ng aking mga kaibigan upang marinig ko ang kanilang mga munting tinig, napangiti na lamang ako at isa isa ko silang binati ng magandang umaga. Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagdiretso kame sa kantina, upang bumili ng makakain dahil pare parehas pala kameng hindi nag umagahan, pagkabili namen ng pagkaen naghanap kaagad kame ng mapwepwestuhan , pero dahil sa dami ng estudyante nahirapan kameng maghanap, pero dahil ako'y gutom na gutom na inikot ng aking mga mata ang buong kantina, at sa wakas!!nakita ko ang isang bakanteng lamesa sa isang sulok ng kantina. Kaysaya ng araw ng ito sa loob loob ko, dahil sa kasama ko sila, at syempre ang aking crush na kung saan tanaw na tanaw ko sa pwesto namen, dahil sa kilig na nararamdaman ko, napasabi na lang ang aking mga kaibigan ng "SADISTA MODE"at kasunod na noon ang pag sipa ko, pangungurot, at panununtok sa kanila ,pero laking gulat ko na lahat sila ay biglang nagsitayuan, at isa isa nilang sinbi ang mga dati pa nilang hinanakit sa akin na kesyo"akala mo nakakatuwa pa yang pagiging sadista mo???tinitiis lang namen !!pero punong puno na kame!!!hindi mo ba alam na nakakasakit ka na??? Unti unting pumatak ang aking mga luha, at dahil sa mga luhang iyon unti untng nanlabo ang aking paningin, sa pagpunas ko ng aking mga luha nahuli na ako hindi ko na sila makita.
                    Napabalikwas ako sa aking higaan, at tila ba'y parang tinakbo ko ang oval ng paulit ulit dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, at naramdaman ko din na basa ang aking pisnge, at bigla kong naisip ang pangyayareng akala ko ay totoo, agad ko na lamang nasabi ang katagang "panaginip lang pala.