Huwebes, Oktubre 9, 2014

ibat ibang epekto ng paggamit ng kompyuter

Gelaine G. Malapascua
BSE biology 2-1



Ibat ibang epekto ng paggamit ng kompyuter


            Sa bawat paglipas ng taon unti unti ng nagkakaroon ng makabagong teknolohiya, na kasabay din noon ang pagkalimot sa mga dating nakagawian na ng nakararami. Ngayon ang ating bansa ay napapaligiran na ng samot saring teknolohiya, na kung saan mamamangha ka sa ganda nito at kalidad na mayroon ito. At isa na nga rito ang kompyuter na ginagamit at kinahuhumalingan ma mg nakararami lalong lalo na ang mga kabataan.  Ang kompyuter ay isang pangkalahatamg paggamit ng kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng isang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal. Ang isang kompyuter ay binubuo ng isang elementong nagpoproseso na tipikal ay isang CPU at isang anyo ng memorya, at ang CPU ay naglalaman ng dalawang tipikal na mga bahagi na arithmetic logic unit na nagsasagawa ng mga operasyong aritmetiko o lohikal at control unit na kamukha ng mga instruksyon sa memorya at nagsasalin at nagsasagawa ang mga ito at tumatawag sa ALU kung kinakailangan. Dahil sa mga nakamamanghang ganda ng mga ito, ay paniguradong kahuhumalingan mo, pero ano nga ba ang kaakibat na epekto nito sa nakararami?
             Layunin ng paggamit ng kompyuter na magbigay ng mga impormasyon o magbigay kaalaman sa bawat isa sa atin, at layunin din nitong mas mapabilis pa ang ating mga gawain. Nagiging masama lamang ang dulot ng paggamit ng kompyuter dahil sa maling paggamit ng bawat indibidwal.
                Ang unang paggamit ng salitang kompyuter ay naitala noong 1613 sa aklat na tinatawag na" the yongmans gleanings". Ito ay tumutukoy sa isang tao na nagsasagawa ng mga kalkulasyon o pagkukwenta. Ang salitang ito ay nagpatuloy sa parehong kahulugan nito hanggang sa gitna ng ika-20 siglo. Ang salitang kompyuter ay magsimulang mangahulugang isang makina na nagsasagawa ng mga pagkukwenta. Ang kasaysayan ng modernong kompyuter ay nagsimula sa dalawang magkahiwalay na mga teknolohiya, automadong kalkulasyon, at pagiging mapoprograma ngunit walang isang kasangkapan na matutukoy na pinakamaagang kompyuter dahil sa hindi konsisteng paglalapat ng terminong ito. Ang ilang mga kasangkapan tulad ng ilang mga pantulong na mekanikal sa pagkukwenta ay kinabibilangan ng abacus na sumerio na dinisenyo noong 2500 BCE, mga slide rule na inimbento noong mga 1620 at mekanismong antikythera na isang sinaunang astronomikal na analogong kompyuter na inimbento ng mga sinaunang griyego noong mga unang siglo BCE. Ang griyegong matematikong si hero ng alehandriya ay nagtayo ng isang teatrong mekanikal na gumanap na isang dula natumagal ng 10 minuto at pinatakbo ng isang masalimuot na sistema ng mga lubid at drum. Noong wakas ng ika -10 siglo ang mongheng pranses na si Gerbert d' Aurillac ay nagdala pabalik ng isang makinang inimbento ng mga moro na sumasagot ng oo at hindi sa mga tanong na tinatanong dito. Noong ika-13 siglo CE, ang mga mongheng sina albertus, magnus at roger bacon ay nagtayo ng mga nagsasalitang android nang walang karagdagang pag unlad. Dumaing si magnus na kanyang inaksya ang 40 taon ng kanyang buhay ng si tomas aquino ay natakot ay winasak ito. Noong 1642, ang renasimyento ay nakasaling imbensyon na kalkulador na mekanikal na isang kasangkapan na makapagsasagawa ng lahat ng operasyon ng aritmetika nang himdi umaasa sa ibang tao. Ang kalkulador na mekanikal ang siyang ugat ng pagpapaunlad ng mga kompyuter sa dalawang magkahiwalay na paraan. Ang Abacus ay binubuo ng mga buto at beads na mga nakatuhog sa patpat o rod, ginamit ito ng mga intsik na mangangalakal sa pagkukwenta. Taong 1641, si Blaise Pascal ay isang matematisyan na taga france , siya ang kauna unahang nakaisip gumawa ng isang adding machine. Ang unang mekanikal calculator ay tinawag na Pascaline.
         Sa panahon ngayon unti unti ng umuusbong ang ibat ibang teknolohiya, lalong lalo na ang kompyuter. Ano ano nga ba ang mga mabuting naidudulot nito sa atin? At lalong lalo na sa mga kabataan?  Una ang kompyutet ay isang teknolohiyang nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon, halimbawa na lamang kapag tayo ay mayroong proyekto o takdang aralin, gamit ang teknolohiyang ito mas napapabilis ang paghahanap ng mga kasagutan, at nakatutulong din ito sapagakat hindi natin kailangan gumugol ng matagal na oras sa isang gawain o hindi na tayo mahihirapan pa na maghanap sa isang damakmak na libro ng mga kasagutan. Pangalawa ay tumutulong din ang kompyuter para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal na nasa malalayong lugar o sa ibang bansa. Nakatutulong din ng malaki ang kompyuter sa mga negosyo gamit ang internet . At ang kompyuter ang pangunahing dahilan ng mga I.T student sa pagpili nila sa kanilang kurso. At sa mga malalaking kompanya nakatutulong ito upang mapabilis ang pag aayos nila ng mga datos, at nagbibigay din ito ng mga mahahalagang impormasyon para malaman natin ang mga bagay na hindi pa natin nalalaman.kung marami ang pabor sa paggamit ng kompyuter marami din ang hindi sumasang ayon dito. Kung ang mabuting naidudulot ng paggamit ng komoyuter ay napapabilis matapos ang isang gawain, ang masamang dulot naman nito ayhindi nito tayo tinutulungan na magsikap bagkus ay inaaasa lang natin ito sa kompyuter, dahil sa kompyuter maraming tao ang nagiging tamad sa isang click mo lang, ayan na sa harap mo ang kailangan mo, kaya sa panahon ngayon ay marami ang nagiging tamad lalong lalo na ang mga kabataan na halos hindi na kumain makakita lang ng kompyuter. At kabilang na din sa masamang epekto na dulot nito lalong lalo na sa mga kabataan, napapabayaan na nila ang kanilang pag aaral, mga mabababang marka ang tanging naipapakita nila sa kanilang mga magulang na sa halip ay matataas na marka. Sa paggamit din ng sobra nito ay nauubos ang pera na pinghihirapan ng ating mga magulang, at ang masaklap pa ay ubos na nga ang pera mo, posible din itong magdulot ng sakit dahil sa pagkakatutok mo sa kompyuter, hindi maiiwasang sumakit ang ulo o kaya naman'y pagkahilo. Nagdudulot din ito na polusyon na nakaaapekto sa ating kalikasan. Sa pagsulpot ng mga ito hindi bat ninanakaw na nito ang ora na dapat sana'y sa edukasyon nakalaan.
            Lubusan na ngang umuunlad ang teknolohiya sa ating bansa ngayon, pero kaakibat din ng mga ito ang mabubuti at masasamang dulot nito. Lingid sa ating kaalaman na malaki ang naitutulong nito sa atin, sa kabilang banda andyaan din ang masasamang dulot nito sa atin. Bilang isang kabataan dapat nating alamin ang ating limitasyon sa paggamit ng mga ito, wagnati abusuhin ang mga teknolohiyang nakapaligid sa atin lalong lalo na ang kompyuter. At kung hind ito gagamitin sa tama mlaki ang posibilidad na mas malaki ang masamang epekto nito kaysa sa mabuting naidudulot nito.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento